Thursday, August 27, 2009

REMEMBER! You are Destined to Succeed.

Hayz, tingnan nyo nakalimutan ko na mag speech pala ako bukas sa Grand Menseng Hotel at nasa taas ang title na napili ko. syempre i endorse ko na naman ang develop your photographic memory business namin. kahit naghihikahos sa maraming expenses at nag uumpisa palang dito sa davao ay determinado akong ituloy ang laban. Kanina nga ay nakapasok ako sa apat na kwarto ng elementary class para turuan ang mga students ng SPED-La Salle kung paano magiging mas madali ang pagmemorya. Excited naman sila sa nakita ko sa mga mata ng marami, syempre hindi naman nila pwedeng i enroll ang sarili dahil wala pang pera kaya sinabi kong ipakita sa mga magulang ang iniwan naming brochures para parents na ang bahalang humusga kung mag invest ba sa ganito para sa minamahal na anak.
It worths it talaga, sabi ko nga kung natutunan ko lang to dati noong elementary palang ako siguradong hindi lang first honor ang nakuha ko, baka ako pa ang ipalit sa principal, pwede ba yun? =) kakaiba. wag talaga nating kakalimutan na we are destined to succeed basta't gawin lang ang mga tamang paraan at pananaw sa buhay. Attitude, syempre importante yan at pananalig kay God, diba sabi nga "We can do nothing without Him."
Mega Memory is located at Door 3, JCP Bldg, J.Camus Extension St., Davao City Tel No. (082)286-1343 Cel No. 09177003082

Friday, August 21, 2009

Develop your Photographic Memory

Ano ba ang mga benepisyo ng matalas na memorya? Una, obyos na magiging magaling ka sa pag memorize, dahil jan ay sikat ka sa science, history, philosophy, at iba pang subject na kailangan ng pagsasaulo. Hindi lang yan, magagamit din ito sa math. Paano? Isang tinginan lang yan sa papel ng katabi mong matalino. Alam mo na agad ang mga sagot nya from 1 to 100. Comparison kumbaga.
Naalala mo pa ba kung sino ang imbentor ng elevator? Nabasa ko ang word na "OTIS" pagsakay ko minsan sa isang ganito. Ang imbentor pala ay si Otis. Sounds like atis diba, yong prutas na matamis at madalas inuugnay sa letrang "A" sa mga librong pang elementarya. Eh ano naman ang kinalaman ng atis sa pinag-uusapang nating Photographic Memory?
Nalaman ko na mas madali palang matandaan ang mga bagay kung mag-iisip ka ng kakaiba tungkol dito. Isipin mo nalang na makakita ng napakalaking atis sa loob ng elevator pag open mo. Siguradong maaalala mong si Otis ang nag imbento ng elevator.
Actually, marami pang paraan para matandaan ang mga bagay. Naranasan mo na bang maiwang naka-lock ang sasakyan mo? Walang problema doon,ang mahirap kung nasa loob pa ang susi. Eh, magsuot ng formal shoes na naka-short palang. At marami pang kwentong nakalimutan at mga trahedyang bunga nito. Ang masaklap pa kung makalimutan mo ang anniversary nyo ni misis,aba ewan nalang.
Kaya kung ako sa'yo, mag-enroll ka rin sa Mega Memory. Tawag lang sa (082)286-1343 o mag text sa 09177003082. O kaya bumisita ka sa Door 3, JCP Bldg, J.Camus Ext. St., Davao City.
Ikaw, anong style mo sa pag memorize, share ka naman jan. =)